Development projects sa Calbayog Airport at Mactan-Cebu International Airport pasisinayaan ngayong araw
Pangungunahan ni Transport Secretary Arthur Tugade ang pagpapasinaya ngayong araw sa bagong gawang Calbayog at Mactan-Cebu Airports.
Sa abiso ng Department of Transportation, kasama ni Tugade sa inauguration si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco.
Bahagi ito ng programa ng pamahalaan para sa mas komportable at maayos na “air mobility and connectivity” sa buong bansa.
Sa bahagi ng Calbayog Airport sa Samar pasisinayaaan ang bagong gawang Passenger Terminal Building (PTB) habang bagong Taxiway and Administration Building naman sa Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City.
“Our kababayans in Samar deserve nothing but the best. Hindi biro ang naranasan nilang hirap noong 2013 dahil sa Bagyong Yolanda. Ngayon, ang pagsasaayos natin ng Calbayog Airport ay patunay na ang Samar ay mahalaga. Ang mga Waray ay mahalaga, at mahal kayo ng pamahalaan,”saad ni Tugade.
Dahil sa bagong PTB, kaya na nitong mag accommodate ng 450 pasahero mula sa kasalukuyang 76 lamang.
Inaasahan na malaking tulong ang nabanggit na development sa pagpapalakas ng ekonomiya at turismo sa lalawigan ng Samar at mga karating lugar nito.
Samantala, ang extended taxiway naman sa Mactan-Cebu International Airport ay makapagdaragdag ng passenger traffic and aircraft movement.
Kaya na ring lumapag dito ang mga wide-body aircraft.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.