Easterlies at ITCZ nakaaapekto sa bansa

DOST PAGASA Facebook photo

Dalawang weather system ang umiiral ngayon sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, mayroon pa ring easterlies o mainit na hangin na galing sa Pacific Ocean.

Nakaapekto ito sa Luzon, Visayas at Northern portion ng Mindanao.

Ang Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ naman o ang pagsasalubong ng hangin na nagmumula sa northeast at southeast na nagdudulot ng kaulapan.

Apektado naman nito ang Southern portion ng Mindanao.

Dahil dito ang Davao Region at SOCCSKSARGEN ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at mga thurderstorm.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshowers.

Sabi ni Estareja, wala namang inaasahang anumang sama ng panahon sa ngayong linggo.

 

 

Read more...