Sec. Salvador Panelo nagpabakuna na rin ng Sinopharm

By Chona Yu May 04, 2021 - 05:12 PM
INQUIRER photo

Nabakunahan na rin kontra COVID-19 si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na Sinopharm na gawa ng China ang itinurok sa kanya na bakuna.

“An hour ago. Sinopharm,”  pahayag ni Panelo.

Binakunahan si Panelo isang araw matapos ang pagbakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang Sinopharm.

Sa ngayon, wala pang emergency use authorization na ibinibigay ang Food and Drug Administration para sa Sinopharm.

Tanging compassionate use lamang ang ibinigay ng FDA sa Presidential Security Group para sa Sinopharm.

 

TAGS: covid 19 vaccine, Sec. Salvador Panelo, Sinopharm, covid 19 vaccine, Sec. Salvador Panelo, Sinopharm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.