Senator Pacquiao nananatiling kaalyado ni Pangulong Duterte

Photo grab from RTVM Facebook

“No falling out.”

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Binatikos ni Pacquiao ang pangulo dahil sa kakulangan ng paninindigan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang ngayon, nanatiling malaking fan ni Pacquaio si Pangulong Duterte  sa larangan ng boksing.

Maayos pa rin ayon sa kalihim ang relasyon ng dalawa.

Kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte si Pacquiao.

Una rito, sinabi ni Pacquiao na napagtanto niyang iboto si Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections dahil sa pangakong sasakay ng jetski patungong Spratlys at dadalhin ang watawat ng Pilipinas.

Read more...