Senator Pacquiao nananatiling kaalyado ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 04, 2021 - 05:04 PM
Photo grab from RTVM Facebook

“No falling out.”

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Binatikos ni Pacquiao ang pangulo dahil sa kakulangan ng paninindigan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang ngayon, nanatiling malaking fan ni Pacquaio si Pangulong DuterteĀ  sa larangan ng boksing.

Maayos pa rin ayon sa kalihim ang relasyon ng dalawa.

Kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte si Pacquiao.

Una rito, sinabi ni Pacquiao na napagtanto niyang iboto si Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections dahil sa pangakong sasakay ng jetski patungong Spratlys at dadalhin ang watawat ng Pilipinas.

TAGS: Pangulong Duterte, Sen. Manny Pacquiao, Pangulong Duterte, Sen. Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.