Itim na banner, isinabit sa NAIA control tower ng mga nagpoprotestang CAAP employees

By Erwin Aguilon April 15, 2016 - 12:37 PM

Photo From Jack Hannen
Photo From Jack Hannen

Nilagyan ng kulay itim na banner ng mga nagpoprotestang empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang control tower ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

May nakasulat na “Mayday, Mayday” sa itim na banner na nangangahulugan ng paghingi ng tulong.

Ayon kay National Capital Region (NCR) Aviation Security Unit Chief Senior Superintendent Adolfo Samala, wala namang emergency situation sa naturang control tower.

Sinabi nito na ito ay dulot lamang ng ikinasang silent protest ng mga empleyado ng CAAP.

Tiniyak naman ng opisyal na walang biyahe ng mga eroplano ang naapektuhan dahil sa nasabing insidente.

Pero marami ng netizens ang nag-post ng status sa facebook at twitter at sinabing grabe ang delay ng flights ngayong araw.

Isa sa mga nag-tweet ang nagsabing isa hanggang limang oras na delayed ang biyahe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.