Paalala ni Pangulong Duterte na irespeto ang China, pang-‘huhudas’ sa Pilipinas – Sen. De Lima

Ritchie B. Tongo/Pool Photo via AP, File

Tinawag ni Senator Leila de Lima na pagtalikod sa Pilipinas ang naging pahayag Pangulong Duterte na hindi dapat angasan ang China.

Ayon kay de Lima ang pahayag ni Pangulong Duterte ay dapat sabihin niya sa China at hindi sa mga Filipino.

Katuwiran niya ang China ang hindi gumagalang at kumikilala sa sobereniya ng Pilipinas dahil sa patuloy na pag-angkin sa teritoryo ng bansa.

Diin ni de Lima sa pahayag ni Pangulong Duterte mistulang pinalalabas na ang Pilipinas pa ang nambu-bully sa China.

“Meron pa bang mas tututa sa pagkatuta ni Duterte sa Tsina? I don’t think there is. This is the lowest of the low that one can become a puppet of a foreign power. And yet we tolerate it as if it is everyday that a Filipino President commits treason and sells out to a foreign power,” sabi pa ng senadora.

Read more...