Face-to-face classes hindi dapat madaliin – Sen. Bong Go

By Jan Escosio May 04, 2021 - 04:44 PM

FILE PHOTO

Kailangan seryosong ikunsidera sa pagbabalik ng face-to-face classes ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at maging ng non-teaching personnel.

Ito ang sinabi ni Sen. Christopher Go.

Aniya batid niya ang matinding hirap na dinaranas ng mga estudyante, lalo na ang mga mahihirap, sa blended learning system ngunit kailangan na prayoridad ang kaligtasan ng lahat.

“‘Di pa naman sigurado ‘yan opening of classes dahil for approval pa po ‘yan ng IATF,” sabi nito.

Diin niya hindi dapat madaliin ang pagsisimula muli ng mga klase sa mga paaralan sa katuwiran na, ” kapag meron pong nagpositibo na isang guro o estudyante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil naka-focus ngayon sa pagbabakuna.”

Sinabi niya na hindi niya papaboran ang pagbabalik ng face-to-face classes hanggang hindi naaabot ang ‘herd immunity,” kung saan 50 milyon hanggang 70 milyon sa populasyon ng bansa ay nabakunahan na.

Lalo na aniya ngayon na kumakalat ang bagong strains ng COVID 19.

Sinabi ng DepEd na ikinukunsidera ang pagsisimula muli ng mga klase para sa School Year 2021-2022 sa darating na Agosto 23.

Kabilang din sa ikinukunsidera ay ang pagbubukas ng mga paaralan sa mga ‘low risk areas’ o sa mga lugar ng lubhang napakababa ang COVID 19 cases.

TAGS: deped, face to face class, Sen. Bong Go, deped, face to face class, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.