Abu Sayyaf member patay sa engkwentro sa Basilan
Patay ang isang hininihinalang miyembro ng Abu Sayyaf habang apat sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan matapos ang naganap na engkwentro sa Basilan.
Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nagsimula ang sagupaan alas 9:30 ng gabi kagabi sa Amoloy sa bayan ng Tipo-Tipo.
Naganap ang engkwentro ilang sandali lamang matapos ang pagsabog ng isang improvised explosive device malapit sa isang gasolinahan sa Lamitan City.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng mga sundalo laban sa bandidong grupo.
Tuloy-tuloy ang operasyon ng AFP laban sa mga terorista sa lugar kasunod ng pagkasawi ng labing walong sundalo sa sampung oras na sagupaan sa Tipo-Tipo, Basilan noong April 9.
Ang nasabing pag-atake sa mga sundalo ay inako ng grupong Islamic State.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.