Nasa 6,000 doses ng COVID-19 vaccine dinala ng PCG sa Masbate at Catanduanes

By Erwin Aguilon May 04, 2021 - 02:45 PM

Naihatid na ng Philippine Coast Guard ang panibagong supply ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga lalawigan ng Catanduanes at Masbate.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, peronal na itinurn-over ni Coast Guard Aviation Force pilot Commander Dino Garcia ang kabuuang 1,900 vials ng Sinovac sa Provincial Health Office (PHO) ng Catanduanes.

Nasa 4,200 vials ng nasabi ring bakuna naman ang dinala sa PHO ng Masbate.

Upang masiguro ang ligtas at mabilisang pagdadala ng bakuna ay inihatid ng chopper ng PCG ang 1,100 na vials ng bakuna sa Rural Health Units (RHUs) ng mga bayan ng Claveria at San Jacinto sa Masbate.

Ang hakbang ayon kay Balilo ay bilang suporta ng PCG sa vaccination program ng pamahalaan.

TAGS: catanduanes, covid 19 vaccine, Masbate, PCG, catanduanes, covid 19 vaccine, Masbate, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.