Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna kontra COVID-19 gamit ang Sputnik V na galing ng Russia.
Ayon kay Manila Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, mga medical frontliners ang tinurukan ng Sputnik V.
Ginawa ang pagbabakuna kanina, Mayo 4 sa Sta. Ana Hospital.
“Gaya na rin po ng bilin ng ating alkade, Mayor Isko Moreno, susundin po namin yung catergory na inilatag po satin ng IATF at ng DOH. So magsisimula po tayo sa medical frontliners, yung mga A1,” pahayag ni Lacuna-Pangan.
“Pagkatapos po nun, kung wala na pong nag-aavail in how many days time siguro in 2-3 days, ay ibibigay na po natin yan sa susunod na category,” dagdag ng Vice Mayor.
Aabot sa 3,000 medical frontliners mula sa anim district hospitals at national government bMaynila ang kayang mabakunahan ng Sputnik V.
Sa kasalukuyan nasa 79,593 medical frontliners, senior citizens, at may comorbidities ang nabakunahan na sa Maynila.