Duterte kay del Rosario: Suntukin kita!

Suntukin kita!

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa patuloy na pangbabatikos ng huli sa punong ehekutibo bunsod ng kawalan umano ng paninindigan sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, kung tutuusin, sa panahon ni del Rosario, dating Chief Justice Antonio Carpio at dating Pangulong Benigno Aquino III nawala ang Panatag Shoal at inangkin ng China.

“Itong Albert na ito ako pa ang sinisisi. Kung makita kita suntukin kita eh. Buang ka. Huwag mong pakialaman — ako ang nakialam? Now pagdating ko nandiyan na ‘yong barko ng China, ang atin ang wala. Buti sana kung nandiyan ‘yong barko ng China tapos pagdating ko mayroon tayong barko. Iyon, ibang istorya ‘yon. Magkahiyaan tayo doon,” pahayag ng Pangulo.

Nais din ng Pangulo na silipin ang resident certificate ni del Rosario kung isa siyang Filipino.

“Ito si Albert sumipot lang ito pretending… You know, Albert is pretending to be — in public, noon ko pa nahahalata ‘yan, he acts like with finesse. Sinasadya niya parang a diplomat of the making of the century. Alam mo sa totoo lang hindi ako naniniwala. Una, hindi ka Pilipino. Hindi ‘yan Pilipino ‘yang mukha mo. Hindi ako maniwala sa iyo. Bakit kita kunin na ano? I don’t even think that… Pakita mo nga ‘yong ano mo resident certificate mo kung Filipino ka ba,” pahayag ng Pangulo.

Hindi rin pinaligtas ng Pangulo si Carpio.

“Itong si Carpio tumaba na nang husto. Walang ginawa kung hindi magdaldal. Tumahimik ka ngang p***** i** mo. Leche ka. Tapos madaldal daw ako nagmumura. Eh bakit? Ganoon naman talaga ako,” pahayag ng Pangulo.

“Sabi ko alam ko na may dalawang taong maingay. Sabi nga ni Xi Jinping na ah alam namin. Iyong ‘yong dalawang si Albert pati si Carpio ang nagregalo sa amin niyang mga islands mo eh. Niregalo, namimigay ang mga p*****. Tapos you have the temerity to blame anybody for your — in diplomatic term “faux pas,” pahayag ng Pangulo

Read more...