Imported pork ipinasusubasta ni Sen. Imee Marcos para mawala ang mga pagdududa

Naniniwala si Senator Imee Marcos maaring mawala o mabawasan ang pagdududa sa pag-aangkat ng bansa ng karne ng baboy kung isusubasta na lang ang mga ito sa mga negosyante.

Sinabi ni Marcos na may mga pagdududa at pangamba na ang pagtaas ng minimum access volume (MAV) sa imported pork products ay papabor lang sa iilang negosyante na mabibigyan ng import permits.

“Auctioning pork imports will add a measure of transparency and accountability that can discourage rent-seekers. Government will even derive additional revenue from issuing these import permits,” aniya.

Sinabi nito na bagamat nagkasundo na ang lehislatura at ehekutibo na magkaroon ng kompromiso sa MAV, duda siya na mapa-plantsa agad ang mga gusot sa negosyasyon.

Naniniwala ang senadora, kung magiging magkakaroon ng labis-labis na imported na karne ng baboy sa bansa, papatayin nito ang lokal na industriya bago pa man matapos na ang pandemya dulot ng African swine fever (ASF).

Read more...