Pangulong Duterte nagpabakuna ng COVID 19 vaccine ng Sinopharm

By Chona Yu May 03, 2021 - 09:37 PM
SEN. BONG GO PHOTO

Nabakunahan na si Pangulong Duterte ng proteksyon laban sa COVID 19.

Nangyari ang pagbakuna kay Pangulong Duterte sa Malakanyang kagabi, ayon kay Sen. Christopher Go.

Aniya ang pagturok ng bakuna ng Sinopharm sa Punong Ehekutibo ay desisyon ng mga doktor nito at si Health Sec. Francisco Duque III ang nagbakuna.

Sinabi ni Pangulong Duterte na matagal na niyang gusting mabakunahan at ngayon ay masarap ang kanyang pakiramdam.

Dagdag pa nito, nagpabakuna na siya hindi lang para magkaroon ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit kundi pa rin na rin mahikayat ang sambayanan na magpabakuna.

Nabatid na ang emergency use authorization para sa bakuna ng Sinopharm ay ibinigay ng Food and Drug Administration sa Presidential Security Group (PSG).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.