Pangulong Duterte ipinanawagan ang proteksyon at integridad ng mga mamamahayag

By Jan Escosio May 03, 2021 - 03:58 PM

Sa paggunita ngayon ng World Press Freedom Day, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay bigyan proteksyon ang mga mamamahayag sa lahat ng uri ng pagbabanta at pananakot.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng malaya at responsableng pamamahayag sa pag-unlad ng lipunan lalo na ngayon ‘digital age’ kung kailangan napakahalaga ng totoo at tamang impormasyon.

“This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good that must be utilized effectively to achieve their intended benefits,” ayon sa punong ehekutibo.

Hinikayat din niya ang publiko na tiyakin mapapanatili ang integridad at kaligtasan ng mga mamamahayag.

Ang kabuuan ng mensahe ay naka-post sa Facebook page ng Presidential Task Force on Media Security.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.