Maynila, Quezon at Rizal nakaranas ng pag-ulan ngayong umaga
Isa hanggang dalawang oras na inulan ang ilang bahagi ng lungsod ng Maynila, lalawigan ng Quezon at Rizal ngayong umaga.
Sa abiso ng PAGASA, alas 7:47 ng umaga nang makaranas ng isa hanggang dalawang oras na pag-ulan sa bahagi ng Mauban, Quezon.
Nakasaad din sa abiso na may kaakibat na malakas na hangin, kulog at kidlat ang malakas na ulang naranasan kaya pinayuhang mag-ingat ang publiko.
Alas 9:13 naman nang umaga inilabas ng PAGASA ang abiso para sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa weather bureau, partikular na nakaranas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Malate at tumagal ito ng isang oras.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang naranasan sa bayan ng Taytay sa Rizal batay sa 9:35AM advisory ng PAGASA.
Sa kabila ng naranasang pag-ulan, inaasahan pa ring ang matinding init ng panahon ngayong araw sa Metro Manila.
Sa forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.