Pagpapalakas, pagsuporta sa local drug manufacturing ikinukunsidera sa Kamara

By Erwin Aguilon May 03, 2021 - 10:14 AM

Hinimok ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pamahalaan na palakasin ang local pharmaceutical industry sa bansa lalo ngayong nasa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagharap ni Herrera sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Pharmaceutical Industry Inc. (PCPI), sinabi nito na dahil dito ay mapabubuti ang access ng bansa sa de kalidad, abot-kaya, ligtas at epektibong gamot.

Ngayon aniyang nagpapatuloy ang pandemya  ay lalong nakita ang ang papel ng local drug manufacturers.

Giit ng kongresista, ang mahalaga ngayon ay maka-survive ang bansa sa krisis maging self-sufficient industry at magamit ang sariling mga resources partikular ang industriya ng local pharma.

Sa kasalukuyan aniya ay bumabalangkas na ang Kongreso ng panukala na magpapalakas sa pharmaceutical production ng bansa.

Kasabay nito ay hinihimok din ng kongresista ang naturang sektor na tulungan ang mga mambabatas na makahanap ng paraan para mabawasan ang pagdepende ng bansa sa mga imported na gamot.

Pinag-aaralan na rin aniya ni Speaker Lord Allan Velasco na pautangin ang local pharma industry sa ilalim ng Bayanihan 3 upang makapagproduce ng kinakailangang gamot at bakuna sa bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.