Voter registration sa Metro Manila, 4 lalawigan sinuspindi; Comelec offices sarado

By Jan Escosio May 03, 2021 - 09:07 AM

Walang voter registration maging voter’s certification na magaganap sa mga opisina ng Comelec sa Metro Manila at apat katabing lalawigan hanggang sa Mayo 14.

Base sa inilabas na abiso ng ahensiya sarado ang kanilang mga opisina maging sa Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Gayundin sa mga lugar na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) ngayon buwan.

Suspindido din ang voter registration at pagbibigay ng voter certification sa Santiago City, Isabela, Abra at Quirino hanggang Mayo 31.

Samantala, bukas ang Office for Overseas Voting sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila para tumanggap ng voter registration applicant na kinakailangan ng bumiyahe sa labas ng bansa.

Bukas naman, Lunes hanggang Biyernes at mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon ang mga opisina ng Comelec sa mga lugar na umiiral ang general community quarantine (GCQ) at modified GCQ para sa mga nais magparehistro at kumuha ng sertipikasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.