COVID 19 cases sa Metro Manila bumaba ng 18 porsiyento

By Jan Escosio May 02, 2021 - 07:24 PM

Kumpara sa naitalang bilang ng noong nakaraang linggo, bumaba na ang kaso ng COVID 19 sa Metro Manila.

Ito ang ibinahagi sa isang panayam kay OCTA Research fellow Guido David at aniya ang reproduction rate ay 0.83 hanggang noong nakaraang linggo, samantalang ang average na bilang ng kaso kada araw ay 3,144 hanggang kahapon, Mayo 1.

Sinabi nito, ang naitalang pinakamataas na 5,500 sa Metro Manila sa kasagsagan nang pagsirit ng kaso ay bumaba ng 43 porsiyento.

Dagdag pa ni David 17 porsiyento na lang ang positivity rate sa Kalakhang Maynila gayundin ang hospital utilization rate.

Ngunit bilin nito, hindi dapat maging kampante ang publiko sa katuwiran na mataas pa rin ang bilang at dapat ay mas mag ingat para tuluyan mapababa ang bilang ng kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.