Dalawang bagong tren idaragdag sa MRT sa susunod na linggo

MRT PRototype assemble migs 4
DOTC Photo

Madaragdagan na ng dalawang bagong tren ang Metro Rail Transit (MRT3) sa susunod na linggo.

Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe naging matagumpay ang isinagawa nilang test run kaya sa susunod na linggo ay magdadagdag na ng dalawang China-made Light Rail Vehicles (LRV).

Dahil sa nasabing dagdag na mga tren, inaasahang mas mapapabilis ang paghihintay ng mga pasahero at mababawasan ang mahabang pila sa mga istasyon ng tren.

Sinabi ni Buenafe na sa buwan ng Mayo, inaasahang may 20 bagong tren pa ang madaragdag sa MRT.

Ang mga bagong tren ay mayroong safety belts, digital signages at may bilis na 60 kilometers per hour.

Sa kabila ng dagdag na dalawang tren sa susunod na linggo aminado si Buenafe na hindi pa rin ito sasapat para dami ng mga pasahero ng MRT.

Sa datos ng pamunuan ng MRT3, kapag Biyernes, umaabot sa 400,000 na pasahero ang dumadagsang pasahero. Ang bawat isang tren ay kayang mag-accommodate ng hanggang 1,192 kada isang biyahe.

Read more...