Babala ng senador maaring masayang lang ang mga bakuna dahil ayaw ng mga tao na sila ay maturukan dahil sa pagdududa.
“What our officials including Health Sec. Francisco Duque III should do is to improve the public’s trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive. Besides, if very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste,” sabi nito.
Aniya ginagawa ng gobyerno ang lahat para makakuha ng mga bakuna ngunit mababalewala ang pagsusumikap kung tatanggi ang mamamayan na sila ay mabakunahan.
“Lagi natin tinitingnan araw-araw, binibilang natin ilan natamaan ng COVID, ilan namamatay. Hindi ba dapat forward-looking tayo? Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna,” pagdidiin pa nito.