Halos 400,000 bagong kaso ng COVID 19 naitala sa India

By Jan Escosio May 02, 2021 - 03:33 PM

DOCTORS WITHOUT BORDERS PHOTO

Nagpapatuloy ang hirap na hirap na pagsusumikap ng India na pigilan pa ang paglobo ng kaso ng COVID 19 sa bansa matapos makapagtala ng halos 400,000 kaso ngayon araw ng Linggo.

Kasabay nito, ang mahabang pila ng mga nais mabakunahan sa lahat ng vaccination areas sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ngunit marami sa mga estado sa India ang hindi na makaagapay sa pagbakuna dahil kinakapos na rin ang kanilang mga bakuna sa kabila ng pagbabawal ng pagpapadala sa ibang bansa ng lokal na bakuna.

Sa huling ulat, 19.2 milyon na ang kasong naitala sa India, may 15.7 ang gumaling at may higit 212,000 na ang namatay.

Hindi na halos kaya ng sistemang pangkalusugan ng bansa ang mga kaso dahil apaw na sa mga pasyente ang mga ospital gayundin sa kanilang crematoriums at libingan sa sobrang dami ng mga namamatay araw-araw.

Samantala, patuloy naman ang pagbuhos  sa India ng mga tulong sa ibang bansa.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.