Made in Russia na COVID 19 vaccines dumating na sa Pilipinas

NTF AGAINST COVID 19 PHOTO

Nasa kamay na ng Pilipinas ang 15,000 doses ng Sputnik V, ang bakuna kontra COVID 19 na gawa sa Russia.

Sakay ng commercial flight ng Qatar Airways, alas-3:50 nang lumapag sa Pilipinas ang mga bakuna, na sinalubong nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Sec. Francisco Duque III.

Kasama nila sina Russian Ambassador to the Philippine Marat Pavlo at Usec. Robert Borje, ang chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs.

Nabatid na ang mga dumating na bakuna ay bahagi lang ng 10 million doses na makukuha ng Pilipinas mula sa Gamaleya Research Institute.

“The contract is expandable for up to 20 million doses,” Galvez said in a statement.

Aniya ang unang batch ay gagamitin sa dry run ng pagdating pa ng mga maramng Sputnik V vaccines simula ngayon buwan.

Sa ngayon, may tatlong brand na ng COVID 19 vaccines ang nasa bansa, una nang dumating ang CoronaVac ng Sinovac Biotech ng China at sinundan ito ng AstraZeneca.

Read more...