Bilang ng COVID 19 cases sa bansa nadagdagan ng 9,226

Lumubo na sa 1,046,653 COVID 19 cases ang naitala sa bansa matapos ang madagdagan ng panibagong 9,226, ayon sa Department of Health.

Base sa inilabas na case bulletin ng kagawaran, may 10,809 ang gumaling kayat sa kabuuan 957,051 ang nakarekober sa sakit.

Umakyat naman sa 17,534 ang namatay matapos madagdagan ng 120.

Sa kabuuan, may 72, 248 active cases pa sa bansa sa ngayon.

May 33 duplicates ang tinanggal sa kabuuang bilang at 22 sa mga ito y gumaling, samantalang may 54 kaso na unang napaulat na recovery ay nadagdag naman sa bilang ng mga namatay.

Read more...