COVID-19 vaccines mahirap pang gawing mandatory – Sen. Go
Aminado si Senator Christopher Go na mahirap pa sa ngayon na gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga mamamayan ng pang-proteksyon sa COVID 19.
Aniya, hindi maiaalis sa mga tao na matakot o magdalawang-isip na magpabakuna dahil ang COVID-19 vaccines na itinuturok ay hindi pa masasabing lubos nang napag-aralan.
Kayat sinabi ng senador na ang dapat na gawin ay ipaliwanag sa mamamayan ang kahalagahan ng bakuna para na rin maabot ang ‘herd community’ at maiwasan ang pagkalat pa ng nakakamatay na sakit.
Giit ni Go, dapat pag-aralan munang mabuti dahil hindi talaga maaaring obligahin ang taumbayan sa pagpapabakuna.
Muli namang ipinaalala ni Go na tanging ang bakuna lang ang paraan para unti-unting makabalik sa normal ang buhay ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.