Umiiral pa rin ang Easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, nakakaapekto ito sa Visayas at Mindanao.
Posible pa rin aniyang makaranas ng isolated rainshowers sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Samantala, patuloy na magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa Luzon.
Ani Clauren, mababa ang tsansa ng pag-ulan hanggang Biyernes ng gabi, April 30.
Wala namang namataang low pressure area o anumang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES