Pangulong Duterte, may huling desisyon sa pagbubukas ng S.Y. 2021-2022 – DepEd

By Angellic Jordan April 30, 2021 - 05:41 PM

Photo grab from RTVM Facebook

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na si Pangulong Rodrigo Duterte ang may huling desisyon sa pagbubukas ng School Year 2021-2022.

Ayon sa kagawaran, magmumungkahi sila ng mga pagpipiliang petsa para sa konsiderasyon ng Pangulo.

Isa ang pestang Agosto 23 sa mga opsyon dahil mandato ng DepEd na magbukas ng klase na hindi hihigit sa huling araw ng Agosto, batay sa nasabing batas maliban na lamang kung may ibang kautusan ang Pangulo.

Gayumman, magsasagawa pa rin ang kagawaran ng konsultasyon at pagsusuri sa polisiya kabilang ang stakeholders upang malaman ang pinaka-angkop na aksyon.

Sinabi ng DepEd na maglalabas sila ng opisyal na abiso para sa S.Y. 2021-2022 sa lalong madaling panahon.

TAGS: deped, DepEdPhilippines, DepEdTayo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, school opening, SulongEdukalidad, SY. 2021-2022, deped, DepEdPhilippines, DepEdTayo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, school opening, SulongEdukalidad, SY. 2021-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.