Palasyo, aminadong kailangan ng legal na paraan para matanggal si Parlade bilang NTF-ELCAC spokesman
Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na kinakailangan ng legal na pamamaraan para matanggal bilang tagapagsalita ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict si Lt. General Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring maghain ng reklamo ang sinuman sa Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command kung saan nakatalaga si Parlade.
Una nang nanawagan ang mga senador na dapat nang sibakin sa puwesto si Parlade dahil sa mga kontrobersiyal na pahayag lalo na sa isyu ng red-tagging sa mga nag-organisa ng community pantry.
Ayon kay Roque, dadaan pa sa debate ang pagsibak kay Parlade.
Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na kinakailangan ng legal na pamamaraan para matanggal bilang tagapagsalita ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict si Lt. General Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring maghain ng reklamo ang sinuman sa Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command kung saan nakatalaga ngayon si Parlade.
Una nang nanawagan ang mga senador na dapat nang sibakin sa puwesto si Parlade dahil sa mga kontrobersiyal na pahayag lalo na sa isyu ng red-tagging sa mga nag-organisa ng community pantry.
Ayon kay Roque, dadaan pa sa debate ang pagsibak kay Parlade.
“That’s actually po ay, you know, subject to debate ‘no kasi hindi po malinaw ‘no. Dahil siya naman po ay tumatayo, tagapagsalita na kabahagi rin po ang militar doon sa ELCAC ‘no. So pupuwedeng nagsasalita po siya bilang tagapagsalita rin ng militar na represented po doon sa ELCAC. So let’s not dwell into that, kung mayroong mga talagang sigurado sa kanilang legal position eh magsampa po sila ng quo warranto ‘no, dahil iyan naman po ang remedy,” pahayag ni Roque.
Ipinauubaya na aniya ng Palasyo sa NTF-ELCAC ang pagpapasya sa kapalaran ni Parlade.
“Sa ngayon po iniiwan na namin sa ELCAC mismo at nagsalita na po si National Security Adviser na, kung hindi po ako nagkakamali, eh pinapatahimik muna iyong dalawang spokesperson ng ELCAC until further guidance has been given them,” pahayag ni Roque.
Bukod kay Parlade, nagsisilbi ring tagapagsalita ng NTF-ELCAC si Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.