Inilabas na ng Inter-Agency Task Force ang pinal na listahan ng mga lugar na Modified Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama sa MECQ ang Abra at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City at Quirino Province sa Region 2; National Capital Region; Bulacan; at Cavite, Laguna, Rizal sa Region IV-A.
Iiral ang MECQ mula Mayo 1 hanggang 14, 2021.
Samantala, nasa General Community Quarantine naman ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province sa CAR; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa City sa Luzon; Tacloban City sa Visayas; at Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur sa Mindanao.
Iiral ang GCQ mula Mayo 1 hanggang 31, 2021.
Isasailalim naman sa Modified General Community Quaratine ang natitiwang bahagi ng bansa.
Inaatasan din ng IATF ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng minimum health standards at localized community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.