56 na pulis nasawi sa COVID-19

By Chona Yu April 30, 2021 - 11:45 AM

PNP photo

Umabot na sa 56 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Base sa talaan ng Philippine National Police Health Service, pinakahuling nadagdag sa talaan ang 50-anyos na police lieutenant na taga Calabarzon.

Nabatid na nabakunahan na ng Sinovac ang nasawing pulis noong Marso 31, 2021.

Matapos mabakunahan, nakaranas ng pananakit ng ulo, sore throat, ubo at nahirapang huminga ang pulis.

Sumailalim din sa swab test ang pulis at nag-positibo sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 147 ang aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa PNP.

Sa kabuuan, nasa 20,150 ang bilang ng mga pulis ang tinamaan ng COVID-19.

 

TAGS: calabarzon, COVID-19, PNP, calabarzon, COVID-19, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.