2 kooperatiba ng mga magsasaka sa Sorsogon tatanggap ng suportang pangkabuhayan

By Chona Yu April 30, 2021 - 11:11 AM

 

(DAR photo)

Nilagdaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang kasunduan sa programang pangkabuhayan na ipapatupad sa ilalim ng  Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Project (EPAHP), katuwang ang dalawang (2) agrarian reform beneficiaries (ARBOs) sa Sorsogon, ang lokal na pamahalaan, ang opisina ng City Agriculture, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang City Veterinary Office upang madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapabuti ng kanilang mga negosyo.

Animnapung (60) mga miyembrong magsasaka mula Sorsogon Agro-Aquatic Development Cooperative (SAADECO) sa Gimaloto, at Maharlika Development Cooperative (MADECO) sa San Isidro, Bacon District, kapwa sa Sorsogon City, ay labis na natuwa nang ang kanilang mga samahan ay napili bilang tatanggap ng proyekto ng EPAHP.

Sinabi ni DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida Santiago na ang 2 kooperatiba ay tatanggap ng mga baboy, kalabaw at mga gamit sa pag-aalaga ng hayop mula sa EPAHP.

“Ang proyektong ito ng DAR at EPAHP ay may dalawang ang layunin. Hangad nitong maibsan ang gutom at kahirapan sa Sorsogon at kasabay nito ay matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng karagdagang kita mula sa pagpapalaki ng mga hayop bukod sa kanilang pagsasaka,” sabi ni Santiago.

Sinabi ni Santiago na tatanggap ang SAADECO ng 30 baboy at ang MADECO ay walong (8) mga kalabaw.

“Ang dalawang kooperatiba ay tatanggap din ng mga kagamitan tulad ng bota, kapote, balde at palanggana upang magamit sa kanilang pagpapalaki ng hayop,” sinabi ni Santiago.

Sa kasalukuyan, ang DAR ay naghahanap ng mahusay na lahi at kalidad ng mga baboy at kalabaw.

“Dahil sa nasa gitna pa rin ng tayo ng pandemya, hindi madali ang makahanap ng mga hayop. Karamihan ay walang mapagkukunan ngayon. Ngunit umaasa kami na mabibili namin ang mga hayop na ito sa madaling panahon upang maibigay ito sa dalawang kooperatiba sa Hunyo,” sabi ni Santiago.

Sa ilalim ng kasunduan, ang EPAHP ay maglalaan at maglilipat ng P600,000 sa DAR para sa pagpapatupad ng proyekto. Mula sa P600,000, ang SAADECO at MADECO ay pagkakalooban ng tig-P300,000.

Ang DAR ang siyang bibili ng mga baboy, kalabaw at mga kagamitan sa pag-aalaga ng mga hayop para sa SAADECO at MADECO. Magbibigay din ang DAR ng mga pagsasanay sa pagpapalaki ng hayop para sa dalawang kooperatiba.Ayon kay chief for support services Liza Repotente, magpapatupad ang DAR ng mga aktibidad gaya ng pagpaplano, pangangasiwa, at pagkuha ng mga materyales para sa pagtatatag at pagtulong sa mga negosyo ng mga magsasaka.

“Bilang bahagi ng programa ng DAR, tinutulungan namin ang mga magsasaka sa pagpapabuti ng kanilang mga teknolohiya sa pagsasaka sa pamamagitan ng pagsasanay, at inilalapit din namin sila sa mga institutional markets kung saan maaari nilang dalhin ang kanilang mga produkto at makipagkasundo sa mas mahusay na presyo para sa kanilang mga kalakal. Ito ang tinatawag namin na support services package,” ani Repotente.

Si Elizabeth Dimaano, vice-chairman ng MADECO, at si Floribe Macapagal, tagapangulo ng SAADECO, ay nagpasalamat sa DAR dahil sa oportunidad na ito, na ayon sa kanila ay pakikinabangan ng mga miyembro ng kanilang mga samahan. Ang dalawa ay parehong sumang-ayon na aktibo nilang gagampanan ang kanilang mga papel sa pagpapatupad ng programa.

TAGS: DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida Santiago, Maharlika Development Cooperative, Sorsogon, Sorsogon Agro-Aquatic Development Cooperative, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida Santiago, Maharlika Development Cooperative, Sorsogon, Sorsogon Agro-Aquatic Development Cooperative

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.