Puspusang paglilinis sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, patuloy sa gitna ng pandemya

By Chona Yu April 30, 2021 - 10:28 AM
(Manila PIO) Walang patid ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa paglilinis at pangangalaga sa kalikasan ng lungsod kahit na may pandemya sa COVID-19. Para kasi kay Manila City Mayor Isko Moreno, mas mapangangalagaan ang kalusugan ng mga Manilenyo kung malinis ang lungsod sa lahat ng pagkakataon. Kaya naman bukod sa pagpapaunlad ng mga medical facilities at pagkakaroon ng episyenteng COVID-19 vaccination program, sinisiguro rin ng lokal na pamahalaan ang  pagsasagawa ng sanitation and disinfection operations mula Lunes hanggang Linggo. Mayroong mga tauhan mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Department of Public Services – Manila na regular na nagwawalis sa mga kalsada, nag-aalis ng basura sa estero, nagsasagawa ng flushing and misting operations at kumukuha ng basura sa Manila Bay. Patuloy naman ang panghihikayat ni Mayor Isko sa mga Manilenyo na kusang maglinis at makiisa sa kampanya ng lokal na pamahalaan.

TAGS: COVID-19, Manila Mayor Isko Moreno, pandemya, COVID-19, Manila Mayor Isko Moreno, pandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.