Hindi kaya ng Pilipinas matulad sa India, kaya huwag pasaway! – Sen. Go

Umapila si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na palaging sundin ang health protocols para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Diin niya, hindi kakayanin ng Pilipinas ang sitwasyon sa India, kung saan hindi na kinakaya ng kanilang healthcare system ang dagsa ng mga tinatamaan ng COVID-19, maging ang mga namamatay dahil sa naturang sakit.

“Tignan n’yo ang nangyari (sa India), talagang hindi na kontrolado. ‘Yun ang ayaw nating mangyari na babagsak ang ating healthcare system. Kapag bumagsak po ang ating healthcare system, lagot tayo, hindi natin ma-afford na maging 100 percent ang occupancy rate (ng hospitals) o tatanggi na ang mga ospital,” paalala ng senador.

Diin ni Go kailangan lang disiplina sa dapat na pagsusuot ng mask at face shield, pagsunod sa physical distancing at ang hindi paglabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang gagawin.

Sabi pa nito, nagsusumikap ang gobyerno na makakuha ng mga mga bakuna, ngunit sadyang limitado ang suplay.

“Kaya nga po binabalanse ngayon ng gobyerno ang lahat, ang kalusugan at ang pagbubukas po ng ekonomiya dahil hindi pwedeng bumagsak ang healthcare system,” aniya.

 

 

Read more...