Regularisasyon ng casual workers sa gobyerno sa Labor Day hiniling ni Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio April 30, 2021 - 10:10 AM

(Senate PRIB)

Inihirit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na sa paggunita ng Labor Day bukas, Mayo 1 ay ianunsiyo ang regularisasyon ng casual employees sa gobyerno na ilang taon na rin nagsisilbi sa gobyerno.

Aniya maaring unahin ang mga contractual workers sa mga pampublikong ospital at hindi lang ang mga medical staff kundi ang mga trabahador gaya ng attendants, cleaning and sanitation personnel at equipment technicians.

Dapat aniya simulan na ng gobyerno ang pagbubukas ng oportunidad para sa regular employment sa libo-libong casuals at ito ay ibabase sa merito

Sinabi pa ni Recto, pangako lang ni Pangulong Duterte ay malaking hakbang na at maaring mahawa na rin ang mga nasa pribadong sektor.

Nabanggit niya na noong nakaraang taon, may 600,000 contractual employees sa gobyerno base sa datos ng Civil Service Commission.

TAGS: contractual workers, Labor Day, ralph recto, contractual workers, Labor Day, ralph recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.