Tatak Pinoy ipinagmalaki ni Sen. Sonny Angara sa Stanford graduate students

(Senate PRIB)

Malaki ang potensyal ng Pilipinas na maging maunlad na bansa at tumatak sa buong mundo.

Ito ang ibinahagi ni Sen. Sonny Angara sa kanyang lecture sa mga graduate student ng Public Policy Program ng Stanford University sa California.

Ipinagmalaki ni Angara ang mga naging pagbabago sa bansa sa aspeto ng pag-unlad partikular na ang pag-angat ng 10 puwesto sa Economic Complexity Index (ECI) mula sa pang-45 noong 2008 ay naging pang-35 noong 2018 base sa pamantayan nabuo sa Harvard University.

“The Philippines ranked 35th, which is not bad, considering that the ranking places us 4th in ASEAN behind only Singapore (5th), Thailand (22nd), and Malaysia (26th), and ahead of countries like Canada (39th), India (42nd), and New Zealand (54th). We’re recognized as a regional leader, suggesting that we must have been doing something right,” sabi ng namumuno sa Senate Finance Committee.

Ngunit pag-amin ni Angara, malayo pa ang tatahakin ng Pilipinas para magkaroon ng mas magagandang oportunidad para sa mga Filipino tungo sa kanilang sariling kaunlaran.

Aniya malaking hamon sa Pilipinas ang pag-alis ng mga Filipino para mag-trabaho sa ibang bansa para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanilang pamilya.

Kayat aniya binuo niya ang Tatak Pinoy noong 2019 para tulungan ang mga manggagawang Filipino at lokal na negosyo na mas kilalanin sa buong mundo.

“We envisioned that through this initiative, the country may eventually produce and export more complex, high-value products and services; encourage more investment; and create more job opportunities at home for Filipinos so they don’t have to leave anymore for greener pastures abroad,” aniya.

Sinabi din nito na may mga hakbang ng ginagawa para mapalawak ang kaalaman ng mga Filipino sa usapin ng siyensa at teknolohiya.

Sa huling bahagi ng kanyang pagsasalita, sinabi ni Angara na ang pag-unlad ng bansa ay bunga ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa lipunan; “In the end, the best opportunities for growth are the ones that we create for each other, with each other.”

Read more...