Higit 23,000 nagsumbong sa DILG ukol pamamahagi ng P1,000 ECQ ayuda

By Jan Escosio April 30, 2021 - 09:25 AM

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año higit 23,000 reklamo ang kanilang natanggap ukol sa distribusyon ng one-time P1,000 ayuda sa mga naapektuhan ng pagpapairal ng enhanced community quarantine sa mga lugar na kasama sa NCR Plus bubble.

Aniya, 15,736 sa natanggap nilang 23,292 na reklamo ay sumasailalim sa deliberasyon samantalang 3,824 ang naresolba na.

Sinabi pa ng kalihim na papasok lang sila sa usapin kung hindi natutugunan ang reklamo at kung kakailangan ay magsasagawa sila ng kinauukulang imbestigasyon.

Kasabay nito, 67 porsiyento sa higit P22.9 bilyon na inilaaan para sa ayuda ang naipamahagi na o katumbas ng higit P15.533 milyon.

Sa target beneficiaries, sa Metro Manila 73.46 porsiyento ang nabigyan na, higit 61 porsiyento naman sa Bulacan at sa Cavite ay 53 porsiyento.

Sa Laguna, 76 porsiyento ng 2.7 milyong benipesaryo ang nakatanggap na ng ayuda at 61 porsiyento naman sa Rizal.

TAGS: ECQ ayuda, Interior Secretary Eduardo Año, NCR plus bubble, ECQ ayuda, Interior Secretary Eduardo Año, NCR plus bubble

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.