15,000 doses ng Sputnik V darating na sa bansa sa Mayo 1
Parating na sa bansa ang 15,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V na galing ng Russia.
Sa Facebook post ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, sinabi nito na umalis kahapon, Abril 19 sa Moscow ang unang batch ng mga bakuna.
Inaasahang darating sa Pilipinas ang mga bakuna sa Mayo 1.
“First shipment of Sputnik V vaccines (15,000 doses) left today, 29 April, from Moscow and should be in Manila by 1 May,” pahayag ni Sorreta sa kanyang post sa Facebook.
Asahan na aniya na may karagdagan pang deliveries ng mga bakuna sa mga susunod na buwan.
Matatandaan na noong Abril 28 sana ang pagdating ng mga bakuna na Sputnik V subalit naantala dahil sa flight restrictions.
Wala kasing direct flight mula Moscow patungo ng Manila.
Una nang sinabi ng Malakanyang na gagamitin ang mga bakuna na galing ng Russia sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.