Siyam na ang patay sa malakas na lindol sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2016 - 10:00 AM

(Update) Umabot na sa siyam ang ang iniulat na nasawi at mahigit 700 katao ang nasugatan sa lindol na tumama sa Kumamoto, Japan kagabi.

Sa ulat ng Japan TV network, sa mahigit 700 na naitalang sugatan, 400 ang kinailangang isugod sa ospital.

Ayon kay Japan Government Chief spokesperson Yoshihide Suga, 44 ang maitituring na seriously hurt.

Kabilang sa mga nasawi ang isang nasa 60 anyos na lalaki at nasa 50 anyos na babae.

Unang napaulat kagabi ang pagkamtay ng isang indibidwal matapos mabagsakan ng gumuhong bahagi ng gusali at ng isa pa na na-trap sa naganap na sunog matapos ang lindol.

Naitala ang lindol alas 9:26 ng gabi na unang naitala sa magnitude 6.4 pero kalaunan ay itinaas sa magnitude 6.5.

May nai-record na Intensity 7 sa bayan ng Mashiki, Kumamoto Prefecture. Wala namang tsunami warning na inilabas an mga otoridad matapos ang lindol.

Aabot sa 23,000 na katao ang inilikas at pansamantalang nasa mga shelter sites, habang may walong katao ang napaulat na nawawala.

Sa ulat ng mga pulis at bumbero, nasa 20 bahay ang gumuho sa Mashiki.

 

TAGS: 4 dead after a strong earthquake in japan, 4 dead after a strong earthquake in japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.