Community Quarantine at iba pang innovations ng pamahalaan, dahilan ng pagluwag ng EDSA

By Erwin Aguilon April 29, 2021 - 08:12 PM

DOTr photo

Iginiit ni Transport Secretary Arthur Tugade na hindi lamang dahil sa measures na ipinatupad ng pamahalaan ang dahilan ng mabilis na daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa statement ni Tugade, sinabi nito na malaki ang naitulong ng mga innovations ng administrasyong Duterte upang mapaganda ang trapiko sa EDSA.

Gayunman, sinabi ng kalihim na kabilang din dito ang ipinapatupad na quarantine measures ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic.

“Noon, araw-araw, ang pagbiyahe sa EDSA ay itinuturing na matinding pakikidigma. The traffic congestion was worsened by illegal terminals, BUSES LOADING AND UNLOADING ANYWHERE THEY WANT. HALU-HALO ANG MGA SASAKYAN, at kapansin-pansin din na walang bike lane para sa mga siklista,” pahayag ni Tugade.

Ngayon aniya, matapos ang mga plano at mga panukala para ma-decongest ang EDSA ay naisakatuparan.

Kabilang na aniya rito ang EDSA Busway at ang bike lane networks.

Giit ni Tugade, “Now, with DEDICATED MEDIAN LANES FOR PUBLIC UTILITY BUSES, travel time from Monumento to Pasay is significantly reduced from nearly 3 hours to only 45-50 minutes.”

Naisagawa aniya ang bike lane networks sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga siklista at iba pang gumagamit ng lansangan.

Dagdag ng kalihim, “To date, 296-kilometers of bike lanes have been completed with pavement markings, bollards, curbs, and solar studs. Our target is to complete 535 kilometers of bike lanes in Metro Manila, Cebu, and Davao before the year ends.”

TAGS: edsa, EDSA traffic, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Arthur Tugade, edsa, EDSA traffic, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.