200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Muntinlupa City

By Jan Escosio April 29, 2021 - 06:22 PM

Umabot sa 200 pamilya ang biktima ng apat na oras na sunog na tumupok sa maraming kabahayan sa Cupang, Muntinlupa City.

Base sa datos mula sa pamahalaang-lungsod, higit 1,000 inbiduwal ang apektado sa insidente.

Binibigyan ng ‘hot meals’ at family kits ang mga apektado na ngayon ay nakikisilong sa Mullet Compound covered court.

Binisita na ni Mayor Jaime Fresnedi ang mga biktima at nangako na ibibigay sa kanila ang lahat ng tulong ayon sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Pinatitiyak lang ni Fresnedi na nasusunod pa rin ang basic health protocols sa hanay ng mga nasunugan para maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.