Sinabi ni Ferdinand Geluz, chief commercial officer ng Meralco, ikinukunsidera pa rin nila ang mga hamon na kinahaharap ng kanilang mga kustomer ngayon may pandemya.
Ngunit magpapatuloy ang meter reading alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission.
Ito ay para hindi na maulit ang nangyaring ‘bill shock’ noong nakaraang taon na inalmahan ng milyon-milyong kustomer ng Meralco.
“Our continued operations will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly,” sabi ni Geluz.
Ngunit, asahan na ang pagtaas sa babayaran sa kuryente dahil sa pagtaas ng konsumo bunga ng mainit na panahon.