2,000 manggagawa, babakunahan kontra COVID-19 sa Labor day
Aabot sa 2,000 pedicab drivers, security guards, cashiers at iba pang ordinaryong manggagawa ang babakunahan kontra COVID-19 sa Sabado, Mayo 1 kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., gagawin ang pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nais kasi aniyang bigyang pagkilala ng pamahalaan ang mga manggagawa.
Una rito, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kabilang din sa mga babakunahan ang 3,000 overseas Filipino workers.
Sinovac at AstraZeneca ang gagamiting bakuna sa Mayo 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.