Pilipinas, tama lang na tumanaw ng utang na loob sa China dahil sa COVID-19 vaccine – Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Tama lamang na tumanaw ng utang na loob ang Pilipinas sa China dahil sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19.

Katwiran ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umani ng batikos ang pahayag, Miyerkules ng gabi (April 28), ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring makipag-giyera ang Pilipinas sa China ukol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea dahil sa malaki ang utang na loob ng bansa sa kanila.

Ayon kay Roque, maraming utang na loob ang Pilipinas sa China lalo na sa mga bakuna konrta COVID-19.

Hindi aniya bulag ang mga Filipino sa mga tulong na natatanggap.

Hindi maikakaila, ayon kay Roque, na ang Sinovac mula sa China ang naasahan ng PIlipinas sa mga bakuna.

Tama lang aniya na tumanaw ng utang na loob ang Pilipinas sa China.

Ayon kay Roque, hindi naman nangangahulugan na China lamang ang pinagkakautangan ng loob ng Pilipinas.

Nagpapasalamat din aniya si pangulong Duterte sa COVAX Facility dahil sa mga donasyon na bakuna kontra COVID-19.

Read more...