Gobyerno, target mabakunahan ang general public sa Agosto o Setyembre
Target ng pamahalaan na magsagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa general public sa buwan ng Agosto o Setyembre.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carllito Galvez Jr., darating na kasi sa bansa ang 20 hanggang 25 milyong bakuna sa buwan ng Hunyo at Hulyo.
Sasapat na aniya ito para mabakunahan ang wala sa priority list ng pamahalaan.
Sa ngayon, tanging ang health workers, matatanda at may mga comorbidities o may mga sakit ang prayoridad na bakunahan.
Mahigit apat na milyong bakuna pa lamang ang nakukuha ng Pilipinas.
Sa naturang bilang, nasa 1.8 milyong bakuna pa lamang ang nagagamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.