503 pulis-Maynila, nabakunahan na vs COVID-19

By Chona Yu April 29, 2021 - 03:45 PM

Manila PIO photo

Aabot sa 503 na pulis sa Manila Police District ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor isko Moreno, ito na ang second dose ng bakuna.

Nabatid na Sinovac vaccine na gawa ng China ang itinurok na bakuna sa mga pulis.

Isinagawa ang vaccination sa MPD headquarters sa Maynila.

Sa ngayon, sinabi ni Mayor Isko na naghihintay pa sila ng dagdag na bakuna na ibibigay ng national government para mabakunahan naman ang nasa A4 priority list ng pamahalaan.

Kabilang sa A4 priority list ang commuter transport, market vendors, media, overseas Filipino workers at iba pa.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, Manila Police District, Mayor Isko Moreno, MPD, Radyo Inquirer news, Sinovac, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Manila Police District, Mayor Isko Moreno, MPD, Radyo Inquirer news, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.