Early registration para sa S.Y. 2021-2022, hanggang bukas na lang – DepEd

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) ukol sa early registration para sa School Year 2021-2022.

Sinabi ng kagawaran na hanggang Biyernes, April 30, na lamang ang early registration.

Dahil dito, hinikayat ang mga mag-aaral na papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 na magpatala na sa pamamagitan ng remote o in-person registration.

Maaaring i-download ang Modified Basic Education Enrollment Form sa link na ito:
https://bit.ly/BEEF2021

Maaaring ipasa ang form sa paaralan, droop box ng barangay hall o sa pamamagitan ng text o online.

Dagdag ng DepEd, papayagan lamang ang in-person o face-to-face registration sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

Read more...