Dalawang katao na ang kumpirmadong nasawi habang hindi naman bababa sa 45 ang sugatan nang yanigin ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang bansang Japan, Huwebes ng gabi.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naramdaman ang lindol sa Kumamoto Prefecture at mga kalapit na mga lugar alas 9:26 ng gabi.
Nasundan pa ito ng isa pang malakas na aftershock makalipas ang isang oras.
Nas alalim lamang na 10 kilometro ang pinagmulan ng lindol kaya’t naging malakas ang paggalaw ng lupa.
Sa bayan ng Mashiki sa Kumamoto Prefecture, naitala umano ang intensity 7 na pagyanig ng lupa.
Ilang mga ulat na rin ng mga bahay at mga maliliit na istruktura na pinabagsak ng lindol.
Sa footage naman ng Japanese TV network na NHK, makikita ang malakas na paggalaw ng mga CCTV at television cameras na nakapuwesto sa ibabaw ng mga gusali sa kasagsagan ng lindol.
Agad namang ipinag-utos ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang paglulunsad ng mga emergency headquarters sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Umaabot naman sa mahigit 135 na ang naiulat na nadala sa pagamutan matapos masaktan sanhi ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.