2 partylist solons namigay ng Ivermectin sa Quezon City

By Chona Yu April 29, 2021 - 01:26 PM

 

CHONA YU

Pinangunahan nina Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor at Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta ang pamamahagi ng Ivermectin na gamot umano sa COVID-19 sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Defensor, kailangan niyang maisalba ang publiko sa pandemya sa COVID-19 lalo’t wala pang gamot sa naturang nakakamatay na sakit.

Dagdag katuwiran pa nito, kulang din ang suplay ng bakuna sa bansa.

Muli din iginiit ni Defensor na nakahanda siyang harapin ang pananagutan sa pamamahagi ng Ivermectin.

Sa ngayon, limang ospital pa lamang ang binigyan ng awtorisasyon ng Food and Drug Administration sa paggamit ng Ivermectin.

Nabatid na 30 residente lamang ng Barangay Old Balara dapat lang na  bibigyan ng Ivermectin, ngunit dumagsa ang iba pang residente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.