Panic flight: Demand sa private jets sa India patungong United Arab Emirates dagsa

By Jan Escosio April 29, 2021 - 12:41 PM

Sa kagustuhan na makaalis ng kanilang bansa dahil sa nakakatakot na sitwasyon dulot ng COVID 19 pandemic, nag-uunahan na ang mga Indian expats sa pag-book ng private jets para makalipad patungo ng United Arab Emirates.

Nabatid na exempted sa travel ban sa pagitan ng India at UAE ang private business jets.

Tinataya na may 3.5 milyong Indians ang nakatira o nagta-trabaho sa UAE at marami ang umuwi sa India para dumalo sa mga okasyon at medical emergencies, bago naipit sa ipinatupad na travel ban noong nakaraang araw ng Linggo.

Nitong nakalipas na mga araw, higit 3,000 ang namamatay sa India dahil sa COVID 19 kada araw at 18 milyon kaso na ang naitatala, samantalang higit 201,000 na ang namatay.

Sa mga ulat, 20 ulit na mas mataas ang presyo ng pasahe sa private jets sa commercial plane at ang napaulat na pasahe ay higit $5,000 bawat tao patungo sa UAE.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.