Plano ng DepEd sa ligtas na school opening hinihintay na sa Kamara

By Erwin Aguilon April 29, 2021 - 11:52 AM

Naghihintay pa rin si ACT Teachers Partylist Representative France Castro ng malinaw na mga plano at polisiya ng Department of Education para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

Sa ngayon aniya, ang hakbang ng DepEd ay puro adjustment lang ng school calendar pero hindi naman tinutugunan ang mga problema sa distance blended learning program.

Tahimik rin ang  kagawaran sa isyu ng overtime work ng mga guro dulot ng pinahabang school year.

Kayat tanong nito; “Anong mangyayari sa proportional vacation pay (PVP) ng mga guro sa pinaikling bakasyon kung itutuloy ang panukalang August 23 na pasukan?”

Diin ng kongresista, hindi makina ang mga guro.

Diin pa ni Castro nawalan na ng sick leave benefits ang mga guro, gumagastos para sa pagsunod sa blended learnin system, hindi pa pinagbakasyon ng walang kapalit na kompensasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.